Paano ko Natanggal ang mga Pimples and Marks? (Product Review)

Disclaimer: This may OR may not work for you. Please do a patch test on the jawline before using it on your face.

Hello, mamshies! It’s been a long time since my last blog post. I’m so excited to tell you about my #TigyawatSeries on my Facebook Page and it’s my first time to have a breakout with a lot of pimple marks. 😯

So, when I realized na it’s time to use a rejuvenating set na nga kase ang dami dami na talagang pimple marks and sobrang itim. 

What Rejuv Set did I use?

I decided to use Beautederm Rejuv Set mga mamsh, dahil bukod sa maraming magandang reviews mabilis din daw ang epekto. 

Out of curiosity, nag go agad ako sa beautederm rejuv set. 

BEFORE 

Here’s my photo bago ko ginamit ang Beautederm Rejuv.

DAY 1

On October 30, 2020, I read and first time to used the rejuv set, nung una kakaba ka ba pa ako iniisip ko baka kung anong mangyari sa fave ko 🙈 

So, heto na nga, kailangan mo ng gamitin ito Nicole dahil nandito na yan at of course, ang mahalya niyan P3500!! 🤣 Wala ng atrasan.

Ito yung time na sobrang kati kati ng face ko, hindi ko mapigilan hindi kamutin so ang ginawa ko himas himas nalang. 

But then kinabukasan wala na yung kati.

DAY 3

Napansin ko na pumuti yung face ko, yung mga pimples nag da dry na infairness ang bilis ng effect niya at medyo nagbabakbak na rin siya diyan paunti-unti sa bandang chin and jaw. 

YOU MAY ALSO LIKE: GLOW TONIC PIXI

DAY 7

My RED FAAACE!! 😅 Bigla siyang namula na maitim, normal lang yun so don’t worry!

2 WEEKS

Kagigising ko lang and I noticed na nag fade yung mga ilang pimple marks, at glass skin ang peg ng face ko.

4 WEEKS

Yay! Patapos na ako nito and I’m so happy with the result! But hindi naman nawala lahat ng pimple marks lalo na sa bandang chin, sa may chicks nawala yung mga pimple marks.

How To Use?

MORNING ROUTINE

Wash your face and use Papaine Soap, rest your face in 5 mins, apply toner rest again in 5 mins then apply Day Cream.

NIGHT ROUTINE

Wash your face and use Papine Soap, rest your face in 5 mins, apply the toner after 5 mins apply the Night Cream 1, Night Cream 2 and Night Cream 3.

REMEMBER: Always rest your face for 5 mins before applying another product.

My experience..

PAPAINE SOAP

When I wash my face with their Papaine Soap, wala naman akong naramdaman na kakaiba. Parang normal soap lang and yung smell niya mabango. 

PERO…

Day 3, day 4, and so on… 

Pahapdi ng pahapdi, yung feeling na gusto mo na agad magbanlaw ng face dahil habang tumatagal, pahapdi ng pahapdi. 

TONER

At first, ang strong ng smell feeling ko sobrang tapang nito. I applied and then tap, tap, tap lang sa face yun ang sabi ng nagbenta sa akin. 

Ganun din ang experience with Pappaine soap, sa una wala lang but then mahapdi na pag patagal ng patagal ang gamit. 

TIP: Itapat sa electric fan ang face habang ginagamit ang toner, nakaka less ng hapdi sa face. 😊

DAY CREAM

Hindi ako masyado fan ng cream sa umaga pero I have to apply talaga. Ang ginawa ko hindi ko masyadong dinadamihan ng apply kasi nagiging parang oily siya sa face and I hate it 🤣

NIGHT CREAM 1

Yung smell niya napansin ko agad, hindi siya mabango and medyo magaspang ang texture! 

When I applied, nangati ako ng ilang minutes, akala ko hindi ako hiyang but sabi ni seller normal lang at huwag daw kakamutin. 

NIGHT CREAM 2

Ito pinaka-fave ko para siyang aloe vera, mabango siya and wala naman akong naramdaman na mahapdi or kati. 

NIGHT CREAM 3 

This one is white cream talaga, maganda sa skin after ng pag apply. 

NOTE: Before proceeding to another product wait 5 mins after applying the next product.

How Much? Worth it ba?

The rejuv set na nabili ko is P3500 2 months daw magagamit but in my experience yung toner naubos agad in 1 month, yung mga creams may natira pa. 

YES, worth it dahil effective ang bilis bilis. 
NO, the price is not for everyone. In short, mahal siya.

Where to buy?

Sa mga mamsh na taga Bulacan, dito ko binili kay Beautederm Plaridel yung sa akin just message them to buy. Actually may pa free products and free deliver din kapag naka 2500 and up ka.

My thoughts..

My reccomendation about the products na mag upgrade sila sa toner, medyo maliit siya kasi yung P3500 is good for 2 months pero 1 month lang yung toner sa akin but the rest I think aabot ng 2 months. 😊

What I like about the product is ang bilis ng resulta, napansin ko na in 3 days may result agad. Natuyo agad ang mga pimples. ❤ In fairness sulit ang bayad pero mahal siya kung magiging maintenance skincare na siya.

UPDATE: Pumayag yung mother ko na i-share ko dito yung experience niya with the product.

The reasons why I bought the P3500 set dahil maghahati kaming dalawa, sadly merong ingredients na hindi hiyang sa skin ng mother ko.

1 night niya lang ginamit yung products then in the morning nag start ng kumati yung face niya, and then nung hapon doon na namin napansin na namamaga na yung face niya.

My fault too dahil hindi ko muna siya pinag patch test iniisip ko kasi na hindi niya first time gumamit ng rejuv, but see what happened to her namaga yung face in 1 week. Kaya importante na mag patch test muna before using the product to your entire face 😊

After she used the product in 1 night

Have you tried any rejuv set? Anong brand?

Facebook
Pinterest
Twitter
LinkedIn
Print
Email
get the latest updates!

2 Responses

Leave a Reply

About Me

I’m a full-time mom, a freelance virtual assistant, a beauty blogger and a makeup artist rolled into one. So glad you’re here. Welcome to my virtual office!

STAY Connected

FB Feed

ORDER PSA Online

Latest Vlog

Proud to be a Member Of

Join Our FB Group!